K to 12 GABAY PANGKURIKULUM
Baitang 1 hanggang 10
FILIPINO
* * *
K to 12 Curriculum: Tunguhin, Inaasahang Bunga/Resulta, Pamantayang Pangnilalaman, Pamantayan sa Pagganap
. . . .
Deskripsyon ng Batayang Konseptuwal na Balangkas sa Pagtuturo ng Filipino K-12
Pangkalahatang layunin ng Kurikulum ng K to 12 ang makalinang ng isang buo at ganap na Filipinong may kapaki - pakinabang na literasi.
. . . . . .
Kaugnay nito, layunin ng pagtuturo ng Filipino na malinang ang (1) kakayahang komunikatibo, (2) replektibo / mapanuring pag-iisip at, (3) pagpapahalagang pampanitikan ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng mga babasahin at teknolohiya tungo sa pagkakaroon ng pambansang pagkakakilanlan, kultural na literasi, at patuloy na pagkatuto upang makaagapay sa mabilis na pagbabagong nagaganap sa daigdig.
. . . . . .
Sa ikatatamo ng mithiing ito, kailangan ng mga kagamitang panturo ng mga guro bilang suporta sa kurikulum na magmumula sa administrasyon, ahensiyang panlipunan, pribado at publiko, pamahalaang lokal, midya, tahanan at iba pang sektor ng lipunan.
. . . . . .
Isinaalang-alang sa pagbuo ng kurikulum ang pangangailangang panlipunan, lokal at global na pamayanan, maging ang kalikasan at pangangailangan ng mga magaaral. Pinagbatayan din ang mga legal na batas pang-edukasyon, at mga teoryang pilosopikal ng edukasyon at wika nina Jean Piaget (Developmental Stages of Learning), Leo Vygotsky (Cooperative Learning), Jerome Bruner (Discovery Learning), Robert Gagne (Heirarchical Learning ), David Ausubel (Interactive/Integrated Learning),Cummins (Basic Interpersonal Communication Skills-BICS at Cognitive Academic Language Proficiency Skills-CALPS) at ng ating pambansang bayaning si Dr. Jose P. Rizal na nagsabing “nasa kabataan ang pag-asa ng bayan”. Dahil ang Filipino ay nasa disiplina ng wika, pinagbatayan ang mga teorya sa kalikasan at pagkatuto ng wika, mga teorya / simulain sa pagsusuring panliterasi at mga pagdulog sa pagtuturo ng wika (W1, W2, W3) at pagtuturo ng mga akdang pampanitikan at tekstong palahad.
. . . . . .
A. Pamantayan sa Programa (Core Learning Area Standard):
Pamantayan ng Programa ng Baitang 1-6 |
Nagagamit ang wikang Filipino upang madaling maunawaan at maipaliwanag ang mga kaalaman sa araling pangnilalaman, magamit ang angkop at wastong salita sa pagpapahayag ng sariling kaisipan, damdamin o karanasan nang may lubos na paggalang sa kultura ng nagbibigay at tumatanggap ng mensahe. |
Pamantayan ng Programa ng Baitang 7-10 |
Naipamamalas ng mag-aaral ang kakayahang komunikatibo, mapanuring pag-iisip, at pag-unawa at pagpapahalagang pampanitikan gamit ang teknolohiya at iba’t ibang uri ng teksto at mga akdang pampanitikang rehiyunal, pambansa, saling-akdang Asyano at pandaigdig tungo sa pagtatamo ng kultural na literasi. |
B. Pangunahing Pamantayan ng Bawat Yugto (Key Stage Standards):
K – 3 | 4 – 6 | 7 – 10 | 11 – 12 |
Sa dulo ng Baitang 3, nakakaya ng mga mag-aaral na ipakita ang kasanayan sa pag-unawa at pag-iisip sa mga narinig at nabasang teksto at ipahayag nang mabisa ang mga ibig sabihin at nadarama. |
Sa dulo ng Baitang 6, naipapakita ng mga mag-aaral ang sigla sa pagtuklas at pagdama sa pabigkas at pasulat na mga teksto at ipahayag nang mabisa ang mga ibig sabihin at nadarama |
Sa dulo ng Baitang 10, naipamamalas ng mag-aaral ang kakayahang komunikatibo, replektibo/ mapanuring pag-iisip at pagpapahalagang pampanitikan sa tulong ng mga akdang rehiyonal, pambansa at salintekstong Asyano at pandaigdig upang matamo ang kultural na literasi. |
Sa dulo ng Baitang 12 naipamamalas ng mag-aaral ang kakayahang komunikatibo, replektibo/ mapanuring pag-iisip at pagpapahalagang pampanitikan sa tulong ng iba’t ibang disiplina at teknolohiya upang magkaroon ng akademikong pagunawa |
Pamantayan sa Bawat Baitang (Grade Level Standards):
Baitang | Pamantayan sa Bawat Baitang |
K |
Naipamamalas ng mag-aaral ang kakayahan sa pagpapahayag ng iniiisip at damdamin sa wikang katutubo at ang kahandaan sa pagbasa at pagsulat upang makilala ang sarili at matutong makisalamuha sa kapwa. |
1 |
Pagkatapos ng Unang Baitang, inaasahang nauunawaan ng mga mag-aaral ang mga pasalita at di-pasalitang paraan ng pagpapahayag at nakatutugon nang naaayon. Nakakamit ang mga kasanayan sa mabuting pagbasa at pagsulat upang maipahayag at maiugnay ang sariling ideya, damdamin at karanasan sa mga narinig at nabasang mga teksto ayon sa kanilang antas o nibel at kaugnay ng kanilang kultura. |
2 |
Pagkatapos ng Ikalawang Baitang, inaasahang nasasabi ng mga mag-aaral ang pangunahing diwa ng tekstong binasa o napakinggan, nagagamit ang mga kaalaman sa wika, nakababasa nang may wastong paglilipon ng mga salita at maayos na nakasusulat upang maipahayag at maiugnay ang sariling ideya, damdamin at karanasan sa mga narinig at nabasang mga teksto ayon sa kanilang antas o nibel at kaugnay ng kanilang kultura. |
3 |
Pagkatapos ng Ikatlong Baitang, inaasahang nasasabi na ng mga mag-aaral ang pangunahing diwa ng tekstong binasa o napakinngan at nakapagbibigay ng kaugnay o katumbas na teksto, nagagamit ang mga kaalaman sa wika, nakababasa nang may wastong palipon ng mga salita at maayos na nakasulat gamit ang iba’t ibang bahagi ng pananalita upang maipahayag at maiugnay ang sariling ideya, damdamin at karanasan sa mga narinig at nabasang mga teksto ayon sa kanilang antas o lebel at kaugnay ng kanilang kultura. |
4 |
Pagkatapos ng Ikaapat na Baitang, naipamamalas na ng mga mag-aaral ang kakayahan sa pagbasa, pagsulat at pakikipagtalastasan nang wasto upang maipahayag ang kaalaman, ideya at damdaming angkop sa kaniyang edad at sa kulturang kinabibilangan at nakikilahok sa pagpapaunlad ng pamayanan. |
5 |
Pagkatapos ng Ikalimang Baitang, naipamamalas ng mag-aaral ang kakayahan sa pakikipagtalastasan, mapanuring pag-iisip at, pagpapahalaga sa panitikan at kultura sa pamamagitan ng iba’t ibang teksto/ babasahing lokal at pambansa. |
6 |
Pagkatapos ng Ikaanim na Baitang, naipamamalas ng mag-aaral ang kakayahan sa pakikipagtalastasan, mapanuring pag-iisip at pagpapahalaga sa wika, panitikan at kultura upang makaambag sa pag-unlad ng bansa. |
7 |
Pagkatapos ng Ikapitong Baitang, naipamamalas ng mag-aaral ang kakayahang komunikatibo, mapanuring pag-iisip, at pag-unawa at pagpapahalagang pampanitikan gamit ang teknolohiya at iba’t ibang uri ng teksto at akdang pampanitikang rehiyunal upang maipagmalaki ang sariling kultura, gayundin ang iba’t ibang kulturang panrehiyon. |
8 |
Pagkatapos ng Ikawalong Baitang, naipamamalas ng mag-aaral ang kakayahang komunikatibo, mapanuring pag-iisip,at pag-unawa at pagpapahalagang pampanitikan gamit ang teknolohiya at iba’t ibang uri ng teksto at akdang pampanitikang pambansa upang maipagmalaki ang kulturang Pilipino. |
9 |
Pagkatapos ng Ikasiyam na Baitang, Naipamamalas ng mag-aaral ang kakayahang komunikatibo,mapanuring pag-iisip,at pag-unawa at pagpapahalagang pampanitikan gamit ang teknolohiya at iba’t ibang uri ng teksto at saling-akdang Asyanoupang mapatibay ang pagkakakilanlang Asyano. |
10 |
Pagkatapos ng Ikasampung Baitang, naipamamalas ng mag-aaral ang kakayahang komunikatibo, mapanuring pag-iisip, at pag-unawa at pagpapahalagang pampanitikan gamit ang teknolohiya at iba’t ibang uri ng teksto at saling-akdang pandaigdig tungo sa pagkakaroon ng kamalayang global. |
PAMANTAYAN NG PROGRAMA |
Nagagamit ang wikang Filipino upang madaling maunawaan at maipaliwanag ang mga kaalaman sa araling pangnilalaman, magamit ang angkop at wastong salita sa pagpapahayag ng sariling kaisipan, damdamin o karanasan nang may lubos na paggalang sa kultura ng nagbibigay at tumatanggap ng mensahe. |
PAMANTAYAN NG BAWAT YUGTO |
Sa dulo ng Baitang 3, nakakaya ng mga mag-aaral na ipakita ang kasanayan sa pag-unawa at pag-iisip sa mga narinig at nabasang teksto at ipahayag nang mabisa ang mga ibig sabihin at nadarama. |
PAMANTAYAN NG BAWAT BILANG |
Pagkatapos ng Unang Baitang, inaasahang nauunawaan ng mga mag-aaral ang mga pasalita at di-pasalitang paraan ng pagpapahayag at nakatutugon nang naaayon. Nakakamit ang mga kasanayan sa mabuting pagbasa at pagsulat upang maipahayag at maiugnay ang sariling ideya, damdamin at karanasan sa mga narinig at nabasang mga teksto ayon sa kanilang antas o nibel at kaugnay ng kanilang kultura. |